top of page

43 INDIBIDWAL NA TINAMAAN NG PAPUTOK, NAITALA NG DOH MULA DECEMBER 22 HANGGANG 6AM NG DECEMBER 25

  • Diane Hora
  • Dec 26, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH


Nagtala ang Department of Health ng apatnapu’t tatlong kaso ng firecracker- related injuries mula December 22 hanggang ala 6:00 ng umaga ng December 25.


Ang datos ay mula sa 62 Sentinel Sites na mino-monitor ng DOH.


Sa bilang, siyam ang 20 years old pataas at 34 ang 19 years old pababa.


Tatlumpo’t siyam ang lalaki at apat naman ang babae.


37 o 86 percent ng kaso ay dulot ng iligal na paputok, partikular ang boga.


Pinaalalahanan ng DOH ang publiko na ipagdiwang ang pasko at bagong taon ng ligtas at malusog.


Ayon sa ahensiya, ang mga pangunahing dahilan ng fireworks related injuries ay mula sa mga iligal na paputok tulad ng Boga, 5-Star, at Piccolo.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page