45-anyos na lalaki na residente ng General Santos City, patay sa pamamaril sa Mamasapano, Maguindanao del Sur; Motorsiklo ng biktima, tinangay ng mga salarin
- Teddy Borja
- Feb 5
- 1 min read
iMINDSPH

Nasawi ang 45-anyos na si Saripudin Tumbaga, residente ng Solidad, Estate, City High, General Santos City.

Binaril ang biktima ala 1:55 ng hapon, araw ng Martes, February 4 sa Barangay Tuka, Mamasapano, Maguindanao del Sur, habang minamaneho ang kanyang motorsiklo.
Ayon sa report ng otoridad, dalawang hindi pa kilalang lalaki na sakay din ng motorsiklo ang bumaril sa biktima saka tinangay ang kanyang motor.
Dinala sa IPHO Maguindanao del Sur ang biktima pero dineklara itong dead on arrival ni Dr. Elvis Crispino.
Wala pang pagkakakilanlan ang mga otoridad sa suspek at blanko pa rin sa motibo sa krimen.
Comments