iMINDSPH

Himas rehas ang suspek na kinilala sa alyas na “Emerson”, residente ng Guijo Street, Balite, Barangay Lagao, General Santos City.
Naaresto ang suspek, araw ng Martes, March 11 sa Nursery Road, Purok 25 sa nasabing barangay.
Nasamsam mula dito ang anim na plastic sachets ng suspected shabu na tumitimbang ng 25.2 gramo at nagkakahalaga ng Php 171,360.00.
Narekober din ng otoridad sa operasyon ang isang cellular phone at iba pang personal belongings.
Agad dinala ang suspek at mga nakuhang ebidensiya sa Police Station 3 ng General Santos City Police para sa proper disposition at documentation.
Ang matagumpay na operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng mga elemento ng General Santos City Police, City Police Drug Enforcement Unit, City Intelligence Unit, 1201st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 12 sa pakikipatulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12.
Comentarios