top of page

47 anyos na magsasaka, patay sa pamamaril sa Poblacion, Buluan, Maguindanao del Sur

  • Teddy Borja
  • Feb 3
  • 1 min read

iMINDSPH


Binaril ng hindi pa kilalang suspek sa Poblacion, Buluan, Maguindanao del Sur ang 47-anyos na magsasaka na si Misuari Sanday, residente ng Malangit, Pandag.


Naganap ang pamamaril ala 6:10 kaninang umaga ayon sa report ng Buluan, Municipal Police.


Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo mula sa bayan ng Pandag patungong Buluan nang barilin ito ng suspek na sakay din ng motorsiklo.


Tinamaan sa ulo ang biktima. Dinala pa ito sa pagamutan pero dineklarang dead on arrival ng attending physician.


Nasa kustodiya na ng otoridad ang mga nakuhang ebidensiya sa pinangyarihan ng krimen at isusumite sa RFU BAR para sa ballistic examination.


Blanko pa ang otoridad sa motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page