48-anyos na lalaki, arestado sa buy-bust operation sa Tagoloan, Misamis Oriental
- Teddy Borja
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Tiklo si alyas “Van” sa buy-bust operation sa barangay Santa Cruz ng bayan, a-4 ng Mayo.

Nakuha sa posesyon nito ang anim na pirasong sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 35 gramo.

Ayon sa otoridad, nagkakahalaga ito ng P238,000.
Dati nang nahuli ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at nakulong ng tatlong taon.
Nasa kustodiya na ng Tagoloan MPS ang suspek para sa proper disposition, habang isinumite naman sa Cagayan de Oro City Regional Forensic Unit ang mga nakuhang ebidensiya para sa qualitative at quantitative examinations.
Commentaires