Kandidatura ni Cong. Mujiv Hataman bilang gobernador ng Basilan at ng buong slate ng Basilan Unity Party, suportado ni VP Sara Duterte, Sen. Robin Padilla, Sen. Imee Marcos at former VP Leni Robredo
- Diane Hora
- 1 hour ago
- 1 min read
iMINDSPH

Libo-libong residente ng basilan ang dumagsa sa Grand Rally ng Team Adil at Basilan Unity Party.

Pinangunahan ito ni Congressman Mujiv Hataman na kumakandidatong gobernador ng Basilan at Isabela City reelectionist Mayor Sittie Djalia Turabin Hataman.

Sa rally, naghayag ng suporta si Vice President Sara Duterte para kay Congressman Mujiv bilang gobernador, at para sa buong slate ng BUP at Team Adil.

Nakiisa rin sina Senator Robin Padilla at reelectionist Senator Imee Marcos na ayon sa grupo ay patunay na ang laban para sa mas maayos na Basilan ay hindi lamang anila laban ng iilan, kundi laban nating lahat.

Sa pamamagitan ng video message, ipinarating din ni former Vice President Leni Robredo ang kanyang buong tiwala kay Congressman Mujiv, Mayor Dadah Turabin-Hataman, Board member Amin Hataman, at sa buong Team Adil.

Nagpapasalamat ang partido sa mainit na pakikilahok ng kanilang mga supporters sa nasabing rally.




Comments