Top 7 Most Wanted ng Lanao del Sur, napasakamay ng otoridad
- Teddy Borja
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Huli ng mga tauhan ng Marawi City Police at Marantao Police Office ang 25-anyos na Top 7 Most Wanted Person ng Lanao del Sur.
Ikinasa ang operasyon alas 4:15 ng hapon, a-5 ng Mayo kasunod ng inisyung warrant of arrest ng Presiding Judge ng Branch 8, RTC, 12th Judicial Region, Marawi City na may petsa na February 19, 2025.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Nasa kustodiya na ng Marantao Municipal Police Station ang naarestong indibidwal
コメント