top of page

48-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong 56 counts ng murder, arestado sa Parang, Maguindanao del Norte

  • Teddy Borja
  • Feb 4
  • 1 min read

iMINDSPH



Wala ng kawala ang 48-anyos na lalaki mula sa bayan ng Shariff matapos arestuhin ng mga elemento ng Parang Municipal Police sa Barangay Making, sa kasong 56 counts of murder.


Inaresto ang suspek alas 9 ng umaga, araw ng Lunes.


May alias warrant din ito na inisyu ng Regional Trial Court Branch 221, Quezon City na may petsa na April 21, 2010.


Natunton ang suspek matapos makatanggap ng tip ang otoridad at kasunod na rin ng apela ng mga kaanak nito ng isang maayos na pagsuko.


Katuwang ng Parang Municipal Police sa pag-aresto sa suspek ang Regional Intelligence Unit ng PNP PRO BAR.


Pinuri naman ni Police Col. Eleuterio Ricardo ang matagumpay na operasyon ng kanyang mga tauhan.


Patunay aniya ng epektibong intelligence-driven policing at community cooperation ang isang strategic approach ang maayos na pagsuko ng suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page