top of page

49-anyos na ustadz na residente ng Kadayangan, SGA, sugatan matapos barilin sa Midsayap, Cotabato Province

  • Teddy Borja
  • Feb 11
  • 1 min read

iMINDSPH


Sugatan ang isang 49-anyos na ustadz matapos barilin sa Midsayap, Cotabato Province.


Nagpapagaling na sa pagamutan ang 49-anyos na biktima na kinilalang si alyas “Hasim”, isang ustadz at residente ng Tumbras, Kadayangan, Special. Geographic Area.


Sa imbestigasyon ng Midsayap Municipal Police, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang barilin ng dalawang hindi pa kilalang suspek alas 4:30 ng hapon, a-9 ng Pebrero sa Barangay Nes, Midsayap, Cotabato Province.


Tama sa leeg ang tinamo ng biktima.


Nakuha ng otoridad sa crime scene ang isang bala mula sa Caliber .45.


Blanko pa ang otoridad sa motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng mga suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page