iMINDSPH

497 technical officials na magsisilbi sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Athletic Association (BARMMAA) Meet 2025 ang sumailalim sa 2-day refresher course na pinangasiwaan ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education BARMM.

Isinagawa ito sa Tamontaka Central Elementary School.

Layunin ng training na maibahagi sa mga technical officials ang updated policies at guidelines sa bawat laro at mapaunlad ang kaalaman ng mga kalahok sa pag-officiate habang ipinaiiral ang in highest value of fairness, safety at professionalism.

Ibinahagi sa mga technical officials ang usapin hinggil sa Jury of Appeals, due process sa dispute resolution, Child Protection Policy para sa athlete safety, at injury prevention sa sports, at pagtiyak sa isang matagumpay at well-organized regional meet.

Ang 497 technical officials ang mag-o-officiate sa 23 sports events para sa palaro na magsisimula sa darating na Linggo, February 23.
Comments