5.6 KILOS NG DANGEROUS DRUGS SA SULU NA NAGKAKAHALAGA NG MAHIGIT P38M, SINIRA NG PDEA BARMM
- Teddy Borja
- Nov 22, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

“Rendering inert” ang proseso na itinatawag ng PDEA BARMM sa pagsira sa 5.6 kilos ng dangerous drugs sa Sulu na nagkakahalaga ng 38,225,128.11 pesos.

Isinagawa ang proseso araw ng Miyerkules, November 20 sa Hall of Justice ng Jolo.

Ang mga sinirang iligal na droga ay mula sa 97 cases na isinampa sa Regional Trial Court Branch 3 sa bayan ng Jolo mula taong 2022 hanggang kasalukuyan.

Ang PDEA BARMM ang kauna-unahan sa buong bansa na nagsagawa ng “rendering inert” process. Isang paraan na alinsunod sa guidelines na itinakda ng United Nations Office on Drugs and Crime o UNODC para sa safe handling at disposal ng chemicals na may kaugnayan sa illegal drug production.

Matapos ang proseso, ginawa namang cement marker ang mixed materials.

Nagpapasalamat naman si PDEA BARMM Regional Director Gil Cesario Castro sa suporta ng Local Government Unit ng Sulu, gayundin sa Prosecutor's Office, at sa PNP Forensic Sulu.

Ang seremonya ay sinaksihan din ng mga lokal na opisyal ng bayan at lalawigan.


Comments