top of page

5 miyembro ng Local Terrorist Group sa Maguindanao del Sur, sumuko sa militar; 5 armas, kasamang isinuko ng mga ito sa pamahalaan

iMINDSPH


Isang Caliber Garand Rifle, isang 5.56mm M4 Rifle, isang 7.62 Sniper Rifle, isang 9mm Uzi Pistol at isang M16 Rifle ang bitbit ng limang miyembro ng Local Terrorist Group nang sumuko ang mga ito sa gobyerno sa ilalim ng Balik-Loob program.



Iprinesenta ang mga ito kaninang umaga sa Headquarters ng 90th Infantry Battalion sa Datu Saudi Ampatuan.



Sinaksihan ng mga alkalde ang presentasyon na kinabibilangan ni Datu Hoffer Mayor Bai Bong-Bong Ampatuan, Mayor Baileah Sangki, at Vice Governor Nathaneil Midtimbang.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page