top of page

50 bagong bahay, handog ng BARMM Government sa 50 pamilya kabilang na ang dating combatants ng MILF sa Mangudadatu, Maguindanao del Sur sa ilalim ng KAPYANAN PROGRAM

  • Diane Hora
  • 6 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Isinagawa ang ceremonial turnover ng 50 housing units noong Huwebes, Hulyo 3 sa Barangay Kalian, bayan ng Mangudadatu, Maguindanao del Sur, sa ilalim ng Kapayapaan sa Pamayanan o KAPYANAN program ng Office of the Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region.



Pinangunahan nina KAPYANAN Project Manager Abdullah Cusain at Mangudadatu Mayor Fiedder Owen Mangudadatu ang programa.



Bawat bahay ay nagkakahalaga ng ₱680,000, may sukat na 42 square meters, at may tatlong kwarto, kusina, kainan, banyo, at solar-powered na ilaw at tubig.


Ayon kay Cusain, alinsunod ito sa direktiba ni Chief Minister Abdulraof Macacua na tapusin ang lahat ng kasalukuyang infrastructure projects sa rehiyon.


Ayon kay Cusain, layunin ng KAPYANAN na mabigyan ng disente at maayos na tahanan ang mga residenteng hirap sa buhay sa piling komunidad kaya umaasa silang aalagaaan ng mga benepisyaryo ang kanilang bahay.


Isa sa mga nakatanggap ng bahay ay si Teng Motalib, isang 56-anyos na mangingisda na may tatlong anak na lubos ang pasasalamat sa BARMM Government.


Dagdag ni Cusain, regular na imomonitor ng KAPYANAN ang kondisyon ng mga bahay at ang kalagayan ng mga benepisyaryo.


Isa ang KAPYANAN sa mga pangunahing programa ng Office of the Chief Minister na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng mga pinakamahihirap sa rehiyon—lalo na sa pagkakaroon ng ligtas, maayos, at marangal na tirahan.


 
 
 

Commentaires

Noté 0 étoile sur 5.
Pas encore de note

Ajouter une note

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page