51-anyos na magsasaka sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur, patay sa pamamaril
- Teddy Borja
- Jan 29
- 1 min read
iMINDSPH

Patay sa pamamaril ang 51-anyos na magasaka sa Datu Abdullah Sangki.

Kinilala ang biktima na si Nasser Andal Mohamad, residente ng Purok 3 Linik, Barangay Kaya-kaya.
Base sa imbestigasyon ng Datu Abdullah Sangki Municipal Police, minamaneho ng biktima ang kanyang kubota nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin.
Apat na basyo ng bala ang natagpuan sa crime scene.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon, hindi pa tukoy ang nasa likod ng krimen at motibo sa pamamaril.
Comments