top of page

57 indibidwal, arestado ng PNP PRO 11 sa 48 operasyon na isinagawa mula January 13-19, 2025!

  • Teddy Borja
  • Jan 21
  • 1 min read

iMINDSPH


1.7 million pesos na halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng PNP PRO 11 sa loob ng isang linggo kung saan arestado ang limampu’t pitong drug personalities sa 48 operations na inilunsad.

Sa apatnaput’ walong operasyon na ikinasa ng PNP PRO 11 sa buong rehiyon, limamput pitong indibidwdal ang arestado.


Ayon sa PNP PRO 11 ang mga naaresto ay mula sa isinilbing search warrants, warrants of arrest, checkpoints at pagresponde ng otoridad na naresulta sa pagkakakumpiska ng 249.4551 gramo ong suspected shabu na may Standard Drug Price na PhP 1,696,294.68, gayundin ang pagkakasamsam ng 66.1570 ng dried marijuana leaves na may Standard Drug Price na ₱7,938,840.


Labing apat naman sa mga naaresto ay tinuturing na high value individuals.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page