59-anyos na ginang, patay matapos barilin sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City
- Teddy Borja
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Patay ang isang babae matapos barilin sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Mother Barangay Rosary Heights ng lungsod.

Kinilala ang biktima na si Norsana Lipoles Ali, 59 years old.
Naganap ang pamamaril alas 8:45 kagabi, June 10.
Ayon sa pulisya, nagpapahinga na ang biktima sa kanilang tahanan ng may kumatok sa kanilang pintuan.
Nang buksan umano ng biktima ang pinto ay bigla na lamang itong binaril sa ulo ng hindi pa kilalang suspek.
Nakuha sa crime scene ang isang fired cartridge case na pinaniniwalaang mula sa caliber .45 at isang fired bullet na pinaniniwalaang mula sa caliber 45.
Isusumite sa Regional Forensic Unit BAR ang mga nakuhang ebidensiya sa crime scene para sa Ballistics examination.
Blanko pa ang awtoridad sa pagkakakilanlan ng salarin.
Comments