top of page

6 dating miyembro ng BIFF, sumuko sa otoridad sa Maguindanao; 6 armas, isinuko rin ng mga dating miyembro ng BIFF

  • Teddy Borja
  • Jan 29
  • 1 min read

iMINDSPH


Anim na mga dating miyembro ng BIFF ang sumuko sa mga elemento ng Police Regional Office BAR, a-27 ng Enero.


Pinangasiwaan ng pinagsamang pwersa ng P-I-T Maguindanao del Sur, C-I-T Cotabato City, at RIU 15 sa pakikipagtulungan ng 2nd PMFC; Cotabato CPO; RDEU, PRO BAR at PIU, Maguindanao del Sur PPO.


Isinuko rin ng mga ito ang isang homemade Sniper Barrett, M1 Garand, M79 grenade launcher, homemade RPG, Uzi, at shotgun.


Imomonitor ng PRO BAR ang aktibidad ng mga sumukong indibdwal upang matiyak na hindi babalik ang mga ito sa kanilang dating organisasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page