6 na baril mula sa mga concerned citizen at local officials, isinuko sa Maguindanao del Sur Provincial Police Office
- Teddy Borja
- Feb 5
- 1 min read
iMINDSPH

Ang mga baril na isinuko ay kinabibilangan ng dalawang homemade gauge shotgun, dalawang homemade 38 revolver, isang homemade 12 gauge pistol, at isang improvised semi-automatic UZI , kasama ang magazines at mga bala.
Nasa kustodiya na ito ng Maguindanao del Sur PPO para sa proper disposition.
Naghayag ng kanyang apresasyon si PCOL RYAN BOBBY PALOMA, ang Acting Provincial Director ng MDSPPO sa mga lider at opisyal ng Datu Hoffer Ampatuan, Sultan Sa Barongis, Shariff Saydona Mustapha, Paglat, General Salipada Pendaton at Datu Anggal Midtimbang Municipality.
Pinuri rin nito ang mga ground commanders sa mga nabanggit na bayan sa pagsusumikap na masawata ang loose firearms sa lalawigan.
Comments