top of page

62-anyos at 48-anyos na residente ng Rajah Buayan, Maguindanao del Sur, kabilang sa 104 na residente sa lugar na nakapagpatuli sa patuloy na hatid na libreng serbisyong pangkalusugan

  • Diane Hora
  • Feb 10
  • 1 min read

iMINDSPH


Tinungo ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur ang bayan ng Rajah Buayan.



Hatid ng pamahalaang panlalawigan ang patuloy na medical at dental mission gayundin ang outreach program sa Barangay Mileb ng bayan.



Pinangunahan mismo ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan sa lugar.



Nakiisa din sa paghahatid ng serbisyo ang mga incumbent officials at kandidato sa lugar.



218 adult patients at 75 na mga bata ang nakapagkonsulta ng libre, 71 ang nakapagpabunot ng ngipin.



104 ang nakapagpatuli kabilang na ang isang 62-anyos at 48-anyos na residente sa lugar.



145 residente ang nabigyan ng reading eye glasses, 200 na residente ang may bagong tsinelas at limang daan ang benepisyaryo ng feeding program.



Nagpapasalamat ang mga residente sa lugar sa hatid na serbisyong pangkalusugan na pinangunahan ng gobernador na patuloy na naglalayon ng sapat at dekalidad na serbisyong medikal at maipadama ang kahalagahan ng kalusugan ng bawat mamamayan.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page