top of page

63 indibidwal, arestado ng PNP PRO 11 sa 73 operasyon sa loob ng isang linggo; 18 sa 63 naaresto tinuring na Most Wanted Persons!

  • Teddy Borja
  • Jan 21
  • 1 min read

iMINDSPH



Napasakamay ng Police Regional Office 11 ang animnapu’t tatlong indibidwal sa isinagawang 73 operations mula January 13 hanggang 19, 2025.


Ang mga isinilbing Warrants of Arrest ay nagresulta sa pagkaka aresto sa limang Most Wanted Persons na kabilang sa listahan ng Top 10 Most Wanted Persons sa regional, provincial, municipal, city, at station levels.


Isa dito ang Top 4 Most Wanted Person sa Sarangani Province na kinilala sa alyas na “Swak” na nahaharap sa kasong paglabag sa Special Protection of Children Against Child Abuse; Exploitation and Discrimination Act at Rape.


Kabilang din sa listahan ang labing walo pang Most Wanted Persons, karamihan sa mga nahuli ay mayroong dalawa o higit pang Warrants of Arrest.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page