top of page

64-anyos na lola sa Midsayap, Cotabato Province, sinaksak ng 21-anyos na lalaki na residente ng Lebak, Sultan Kudarat; Suspek, agad naaresto ng otoridad!

  • Teddy Borja
  • Feb 3
  • 1 min read

iMINDSPH


Nagising si Lola Elena Fernandez, 64 years old, alas 4:00 ng madaling araw ng Sabado, February 1 matapos makarinig ng tunog mula sa kabilang silid ng kanilang bahay, sa Barangay Sadaan, Midsayap, Cotabato- ayon pa sa report ng Midsayap Municipal Police.


Nang makaharap ang suspek ay bigla na lamang umano na inundayan ng saksak ng suspek ang biktima. Tinamaan ito sa kanyang kanang balikat at may laslas din sa magkabila nitong tuhod.


Ayon sa report, agad na dinala ang biktima sa Poblacion, Libungan, Cotabato para sa agarang medikal na atensyon.


Mabilis na rumisponde ang otoridad sa lugar kasama ang mga Force multipliers at naaresto ang suspek alas-5:30 ng umaga ng Sabado.


Kinilala ng otoridad ang suspek sa Alyas na "Eduardo", 21 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay Pasandalan, Lebak, Sultan Kudarat.


Nakumpiska mula sa suspek ang isang kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit nito sa pananaksak sa biktima.


Dinala ng otoridad sa ospital ang suspek para isailalim sa medico-legal examination bago ito kinustodiya ng otoridad para sa wastong disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page