top of page

65-ANYOS NA MAGSASAKA SA BARIRA, MAGUINDANAO DEL NORTE, PATAY MATAPOS BARILIN NG KANYANG PAMANGKIN

  • Teddy Borja
  • Dec 4, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH


Nagtungo umano ang 65-anyos na magsasaka na si Unday Ragundo sa bahay ng kanyang pamangkin na si Phorok Ragundo, base sa inisyal na imbestigasyon ng Barira Municipal Police.


Makalipas umano ang ilang minuto, biglang nakarinig ang kanilang mga kapitbahay ng mga putok ng baril alas 2:30 ng hapon araw ng Martes, December 3.


Agad umanong tinungo ng kanilang mga kapitbahay ang lugar at natuklasan ang wala nang buhay na katawan ng biktima.


Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.


Tumakas umano ang suspek matapos ang insidente.


Pinaniniwalaang mula sa kalibre .45 na pistola ang baril na ginamit sa krimen base na rin umano sa mga basyo ng bala na narekober sa pinangyarihan ng krimen.


Agad dinala ang bangkay ng biktima sa kanilang pamamahay bago pa dumating ang mga rumespondeng tauhan ng PNP at AFP.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page