6ID NG PHILIPPINE ARMY, NAKIISA SA 18-DAY CAMPAIGN PARA TULDUKAN ANG VIOLENCE AGAINST WOMEN O VAW
- Teddy Borja
- Nov 28, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Nakiisa ang 6th Infantry “Kampilan” Division at Joint Task Force Central ng Philippine Army sa 18-day campaign para wakasan ang karahasan laban sa kababaihan o Violence Against Women o VAW.

Pinangunahan mismo ni Major General Antonio Nafarrete ang pagsusulong sa kampanya na ikinasa araw ng Lunes, November 25.

Binigyang diin ni Maj. Gen Nafarrete na itataguyod ng 6ID ang pagkakapantay-pantay, paggalang, at dignidad para sa lahat.
Ang kampanya aniya ngayong taon ay nagpapaalala sa mga tao na ang karahasan laban sa kababaihan ay hindi lamang isang pribadong isyu, kundi ito ay isang hamon sa lipunan na nangangailangan ng sama-samang pagkilos at isang matatag na pangako sa hustisya.
Commentaires