7 drug personalities, arestado sa 5 magkahiwalay na anti-illegal drug operations sa Davao City; Php 124,453.60 halaga ng suspected shabu, nasamsam ng awtoridad
- Teddy Borja
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pitong indibidwal sa Davao City ang arestado sa limang magkahiwalay na anti-illegal drug operations na ikinasa ng awtoridad.
Sa loob ng 24 oras mula June 16 hanggang June 17, 2025, umabot sa Php 124,453.60 halaga ng suspected shabu ang nasamsam ng awtoridad.
Nakumpiska ng Police Station 1-Sta.Ana ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 65,960.00
Nakumpiska ng Police Station 6-Bunawan ang suspected shabu na nagkakahalaga ng Php 10,540.00
Sa Police Station-Toril, nasamsam ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 1,156.00
Ang Police Station 10-Calinan naman nakumpiska ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 6,800.00
Php 39,997.60 na pinaniniwalaang shabu ang nasamsam ng Police Station 18-Bajada.
Kinikilala at pinahahalagahan ng DCPO ang suporta ng mga opisyal ng barangay, komunidad, at Local Government Unit sa pakikipagtulungan sa kampanyang kontra ilegal na droga.
Comments