Pulis at isa pang indibidwal, arestado sa isang checkpoint sa Lambayong, Sultan Kudarat matapos pinigil ng awtoridad ang isang van na nadiskubreng naglalaman ng mga ipinuslit na sigarilyo
- Teddy Borja
- 8 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang pulis at isa pang indibidwal matapos pinigil ng awtoridad ang isang van sa isang checkpoint sa Lambayong Sultan Kudarat na natuklasang naglalaman ng 862 thousand pesos na halaga ng smuggled cigarettes.
Pinigil ng awtoridad ang sinasakyang van ng mga suspek ala 1:45 ng madaling araw, a-13 ng Hulyo sa Barangay Tinumigues.
Minamaneho ito ng suspek na si alyas “Amir”, 45-anyos, residente ng Libutan, Mamasapano, Maguindanao del Sur.
Habang kinilala naman ng PNP PRO 12 ang pulis sa alyas na “Letra”, 40-years old, residente ng Buluan, Maguindanao del Sur at naka destino sa 1st Provincial Mobile Force Company.
Bukod sa mga kontrabando, narekober mula sa isa sa mga suspek ang isang Glock 17 pistol na may serial number na PNP19488, kasama ang isang magasin na may lamang 12 bala.
Lahat ng nakumpiskang items, kabilang ang sasakyan, ay dinala sa Lambayong Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Comments