top of page

Public hearing kaugnay sa panukalang pagtatatag ng 10-bed infirmary hospital sa Bongo Island, Parang, Maguindanao del Norte, isinagawa ng Committee on Health

  • Diane Hora
  • 6 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Tinawag ng mga residente ng Bongo Island, Parang, Maguindanao del Norte na ‘life line’ ang panukalang pagtatatag ng 10-day infirmary hospital sa lugar.



Binigyang diin ng mga residente sa isinagawang public consultation ngayong araw ang kawalan ng pagamutan sa isla.


Sinabi ni Parang Mayor Cahar Ibay na kritikal ang papel ng ipinapanukalang ospital dahil sa layo ng Bongo Island sa mainland.


Tiyak, ayon sa alkalde na mapababa ang casualties lalo na sa mga emergency situations.


Ang Bongo Island ay mayroong apat na libong residente. Inaabot na halos isang oras ang biyahe mula sa isla patungong Poblacion sa bayan o sa lungsod ng Cotabato. Madalas din na nagkakaroon ng delay dahil sa unpredictable weather conditions.


Taong 2013 at 2020 nang magkaroon ng Cholera outbreak sa Bongo Island kung saan may naitalang namatay kabilang na ang mga bata.


Ang public consultation ngayong araw ay pinangunahan ni Committee on Health Vice Chair Dr. Ibrahim Ibay.

 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page