7 MARKADZ, TUMANGGAP NG BIGAS AT FOOD PACKS MULA SA HOMES PROGRAM NG PROJECT TABANG
- Diane Hora
- Dec 18, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Apatnaput’ walong sako ng tig-25 kilos na bigas, canned goods, noodles, powdered milk, asukal at mantika ang tinanggap ng mga markadz sa bayan ng Pahamudin at Kadayawan sa Special Geographic Area sa Midsayap at Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Ito ay kinabibilangan ng
1.Markadz Al-Muttahid Litahfidhil Quoran
2.Markadz Mutalib Al-Arabie
3.Markadz Jasary
4.Markadz Aytam
5.Markadz Irshad lil Quoran boys
6.Markadz Irshad lil Quoran girls
7.Markadz Al-Rahman Qouran

Ito ay sa ilalim ng Humanitarian for Orphanages, Markadz, Elderlies and with Special Needs o HOMES Program ng Project TABANG na isa sa mga programa ng tanggapan ni Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim.




Comments