7 miyembro ng Local Terrorist Group, sumuko sa militar sa Midsayap, Cotabato Province bitbit ang kanilang mga armas
- Teddy Borja
- Jan 29
- 1 min read
iMINDSPH

Nagbalik sa pamahalaan ang pitong miyembro ng Local Terrorist Group, araw ng Martes sa bayan ng Midsayap, Cotabato Province.
Boluntaryong iprenisinta ang mga ito kay Col. Ricky Bunayog, Acting Commander ng 602nd Infantry (Liberator) Brigade kasama sina Lt. Col. Edgardo Batinay (Commanding Officer ng 34IB, 11ID) at PLt. Leonard Calayag (Nabalawag, SGA-BARMM Chief of Police)
Pormal din nilang isinuko ang dalawang M14 Rifle, dalawang M79 Grenade Launcher, dalawang Garand Rifle at isang 7.62mm Barret Sniper Rifle kasama ang mga bala nito.
Pormal na isinagawa ang maikling program sa Legislative Building Social Hall ng Midsayap, Cotabato at pinangunahan ni Midsayap Mayor Rolando Sacdalan at OIC Nabalawag, SGA-BARMM Mayor Anwar Saluwag.
Nagpapasalamat din ang militar sa Ministry of Interior Local Government, Ministry of Social Services and Development ng BARRM at Department of Social Welfare and Development Region XII sa paunang tulong pinansyal at material support para sa mga sumuko.
Comments