top of page

7 NASAWI, 6 DINALA SA OSPITAL, MATAPOS ARARUHIN NG ISANG TRUCK ANG MGA SASAKYAN AT MGA BAHAY SA MAKILALA, COTABATO PROVINCE

  • Teddy Borja
  • Dec 5, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Pito ang patay at anim ang sugatan matapos araruhin ng isang truck ang mga bahay at sasakyan sa Purok Rambutan, Malasila, Makilala, Cotabato Province ala-7:00 ng umaga kanina.



May kargang apatnaraan at limampung sako ng abono ang truck mula sa Toril, Davao City at patungo ito ng Kidapawan City nang mangyari ang insidente.



Ayon sa itinalagang acting incident commander na si Renato Corre, District Supervisor ng Makilala Central District nawalan ng preno ang truck.



Kabilang sa pitong nasawi ang isang limang taong gulang na batang lalaki at ang driver ng truck.



Patuloy naman nagpapagaling sa pagamutan ang mga sugatan kasama na ang helper ng driver.

 
 
 

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page