top of page

70 prospective overseas Bangsamoro workers sa Lanao del Sur, sumailalim sa Orientation Seminar hinggil sa Safe Overseas Employment

  • Diane Hora
  • Feb 7
  • 1 min read

iMINDSPH



Nilalayon ng pre-deployment information drive na inorganisa ng Overseas Workers Welfare Bureau ng Ministry of Labor and Employment, a-5 ng Pebrero na gabayan ang mga magiging OBW sa legal employment processes, financial preparedness, workers’ rights, at government support programs upang matiyak ang ligtas at ethical employment abroad.



Tinalakay sa seminar na dapat may sapat na pang unawa ang isang manggagawa sa inaalok na trabaho, language skills preparation, at cultural awareness.



Binigyang diin ng mga speaker sa serminar ang kahalagahan ng pagkakaroon ng financial literacy at hinikayat ang mga dumalo na gamitin sa mahalagang bagay ang kita.



Ipina unawa rin sa mga dumalo sa seminar ang employment contracts, workplace rights, at health and safety regulations.


Nagbabala din ang MOLE laban sa illegal recruitment schemes at pinaalalahanan ang mga ito na maging alerto.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page