top of page

₱74,000 na halaga ng shabu nasamsam ng awtoridad sa buy-bust operation sa Parang, Maguindanao del Norte; Drug peddler, arestado

  • Teddy Borja
  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Nasamsam ng awtoridad ang mahigit pitumpong libong halaga ng suspected shabu sa buy-bust operation sa barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao del Norte.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Winnie”, 45 taong gulang, may asawa, at residente ng Parang.


Hinuli ito, araw ng Lunes, June 16.


Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong transparent plastic sachets na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu, na humigit-kumulang 11 gramo ang timbang.


Narekober din ang isang ₱1,000 bill na ginamit bilang marked money at apatnapu't siyam na photocopied na ₱1,000 bill na ginamit sa entrapment.


Nasa kustodiya na ng Parang MPS ang nasabing suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page