top of page

77 years old na lolo sa Datu Montawal, Maguindanao del Sur kabilang sa mga nagpatuli sa isinagawang medical, dental at outreach program ng provincial government

  • Diane Hora
  • Jan 24
  • 1 min read

iMINDSPH



Umarangkada muli ang medical team ng Maguindanao del Sur provincial government.



Tinungo ng medical team ang bayan ng Montawal para maghatid ng libreng serbisyong pangkalusugan sa pangunguna ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.



Sa free consultation, 250 patients ang adult at 53 ang pedia.



Limampu’t walo ang nakapagpabunot ng ngipin, 145 residents ang nabigyan ng libreng reading eye glasses, 400 ang nabigyan ng bagong tsinelas at limang daan ang benepisyaryo ng feeding program.



Pero agaw pasin ang pitumpong nakapagpatuli ng libre dahil isa sa mga ito ang 77 years old na lolo na ginantimpalaan ng pamahalaang panlalawigan ng 30,000 pesos.



20,000 para sa 31 years old at 21 years old at 10,000 para sa 16 years old.



Ang abot sa limampung biyudad, nakatanggap din ng gantimpala na 2,500 hanggang 3,500 pesos, bukod pa sa pitong daan na food packs na ipinamahagi sa mga residente sa lugar.


Dekalidad na serbisyog medikal sa bawat mamamayan ng probinsya ang hangad ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu at maipadama sa mga mamamayan ng Maguindanao del Sur ang kahalagahan ng kalusugan ng bawat isa.


Kasama ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa bayan si Vice Gubernatorial Candidate Taharudin “Benzar” Ampatuan.


Dumalo rin ang ama ng alkalde sa aktibidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page