top of page

79 years old na OIC Manager ng Mindanao Star Bus at 62-anyos na babaeng negosyante, patay matapos pagbabarilin ang kanilang sinasakyang SUV sa Kayaga, Kabacan, Cotabato Province!

  • Teddy Borja
  • Feb 12
  • 1 min read

iMINDSPH



Patay ang 79 years old na OIC Manager ng Mindanao Star Bus at isang 62-anyos na negosyante matapos pagbabarilin ang kanilang sinasakyang SUV sa Kabacan, Cotabato.



Naganap ang pamamaril alas 2:45 ng hapon, araw ng Lunes, February 10 sa Barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato Province.


Sa report ng Kabacan Municipal Police, kinilala ang mga biktima na si Armando Lu, OIC Manager ng Mindanao Star Bus at Marilyn Lunggakit, 62-anyos, negosyante, parehong residente ng Ugalingan, Carmen, Cotabato Province.


Ayon sa report ng PNP, mag live-in partner ang mga biktima. Mula Kabacan ang mga ito at patungo na ng Carmen sakay ng kanilang SUV nang mangyari ang pamamaril.


Dagdag ng otoridad, lulan din ng sasakyan ang mga may gawa ng krimen.


Parehong nagtamo ng tama sa ulo ang mga biktima. Dinala pa sa pagamutan ang mga ito pero dineklara ng attending physician na wala ng buhay ang mga biktima.


Hindi pa tukoy ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga supsek at inaalam pa ang motibo sa krimen.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page