top of page

8-anyos at 17-anyos na mga mag-aaral at isang 29-anyos na magsasaka na pawang mga residente ng Aleosan, Cotabato Province, patay matapos barilin sa bayan ng Carmen

  • Teddy Borja
  • Feb 3
  • 1 min read

iMINDSPH



Sakay ng motorsiklo nang pagbabarilin ang mga biktima na kinilalang si Norhan Alim Makulintang Razak, 29 years old, isang magsasaka-



Umbra Guialil Makulintang, 17 years old, isang mag-aaral at Norolan Balaitom Alim, 8 years old, na isa ring estudyante.



Ayon sa report ng Carmen Municipal Police, sakay ng mini van ang mga salarin.


Naganap ang pamamaril alas 9:30 ng umaga, araw ng Sabado, February 1, sa Purok 5, General Luna, Carmen, Cotabato Province.


Ayon sa report ng pulisya, mula sa Barangay Bulod, Pikit, Cotabato ang mga biktima at patungo sa kanilang maisan sa Barangay Simone, Kabacan, Cotabato ng mangyari ang insidente.


Dagdag sa report ng otoridad na anim na basyo ng bala mula sa M16 rifle at dalawang bala mula sa caliber 45 ang natagpuan sa lugar ng pinangyarihan ng krimen.


Isinugod sa pagamutan si Makulintang pero dineklara na itong wala ng buhay ng attending physician.


Personal grudge ang anggulong tinututukan ng otoridad na motibo sa pamamaril.


Sa nakuhang impormasyon ng pulisya, umalis sa kanilang lugar sa Sitio Tubac, Pagangan, Aleosan ang isa sa mga biktima dahil may naka away ito at pansamantalang naninirahan sa Bulod, Pikit sa nabanggit na probinsya.

 
 
 

コメント

5つ星のうち0と評価されています。
まだ評価がありません

評価を追加

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page