top of page

8 drug personalities, arestado sa 4 na magkahiwalay na operasyon ng otoridad sa Davao City; P364,072.00 halaga ng suspected shabu, nasamsam ng otoridad

  • Teddy Borja
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa loob ng 24 oras-

Arestado ng mga tauhan ng Davao City Police Office ang walong drug personalities sa apat na magkakahiwalay na operasyon mula April 9 hanggang April 10, 2025.


Php 364,072.00 na halaga ng suspected shabu ang nasamsam sa mga inilunsad na operasyon.


Kabilang dito ang nakumpiskang suspected shabu sa Police Station -3 Talomo.


Sa Police Station 4-Sasa na umabot sa Php 305,592.00 na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska.


Sa Police Station 10-Calinan naman nasa Php 50,796.00 na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska.


Habang sa operasyon ng City Drug Enforcement Unit ay nasamsam ang Php 6,936.00 na halaga ng suspected shabu.


Pinuri naman ng DCPO ang tulong ng komunidad at LGU sa pinaigting na kampanya ng otoridad kontra iligal na droga.

 
 
 

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page