80-ANYOS NA BABAE, NATAGPUAN NA WALA NG BUHAY SA LOOB NG KANYANG TIRAHAN SA PUROK VILO, BRGY. POBLACION 4, COTABATO CITY , ARAW NG HUWEBES, NOVEMBER 21, 2024
- Teddy Borja
- Nov 22, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Wala ng buhay nang matagpuan ang isang 80-anyos na si Morinda Lastimoso Binarao sa loob ng kanyang tahanan sa Purok Vilo, Brgy. Poblacion 4, Cotabato City, araw ng Huwebes, November 21.
Ayon pa kay Police Sergeant Hannele Tumama, residente sa lugar ang biktima at voluntary worker ng queen of peace.
Naka panayam rin ng iMinds Philippines ang kagawad ng poblacion 4 na si Barangay kagawad Fahad Tan Agak, ayon sa opisyal, ilang araw nang hindi lumalabas ng bahay ang matanda.
Comments