top of page

80 wanted persons, arestado ng PNP PRO 12 sa isang araw na anti-criminality operations sa buong rehiyon

iMINDSPH


Walumpong wanted persons ang arestado ng PNP PRO 12 sa walumpo’t tatlong anti-criminality operations na kinasa ng otoridad sa loob lamang ng isang araw sa General Santos, Sarangani, South Cotabato, Sultan Kudarat at Cotabato sa ilalim ng pamumuno ni PNP PRO 12 Regional Director PBgen. Arnold Ardiente


Mula sa 80 arrested suspects, 12 ang most wanted persons sa Regional Level


Kabilang dito ang isang alias “Vin”, na Top 6 Regional Most Wanted Person at may Warrant of Arrest sa kasong Qualified Statutory Rape.


Arestado rin sa kasong Statutory Rape at Rape Through Sexual Assault ang isang alias “Ran-ran” listed na Top 7 Regional Most Wanted Person.


Tatlo pang Top 8 Regional Most Wanted Persons ang arestado sa Malapatan, Sarangani Province sa kasong murder.


Habang limang suspek na naaresto ang kabilang sa Most Wanted Persons sa City/Provincial Level, at 18 suspects ang kabilang sa Most Wanted Persons sa Municipal/Station Level, habang 45 suspects ang classified na Wanted Persons

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page