top of page

87 dating miyembro ng NPA, sumuko sa militar sa Bukidnon; 17 armas, bitbit ng mga rebelde sa pagsuko

  • Diane Hora
  • Jan 27
  • 1 min read

iMINDSPH


Iprenisinta ni Major General Allan Hambala, Commander ng 10th Infantry (Agila) Division, Philippine Army, ang walompo’t pitong dating miyembro ng NPA sa mga lokal na opisyal ng San Fernando, Bukidnon. Ito sa pakikipagtulungan ng Bukidnon Provincial Police Office.



Isinagawa ang pagsuko sa Barangay Covered Court ng Nacabuclad, San Fernando, Bukidnon, a-24 ng Enero.



Ang mga dating rebelde ay miyembro ng Sub-Regional Command 2 sa ilalim ng North Central Mindanao Regional Committee o NCMRC.



Isinuko rin ng mga ito ang labimpitong armas.


Pinuri naman ni Jimboy Mandagit, dating commander ng NPA SRC2, ang local government sa pagdismantle sa natitirang NCMRC elements.


Hinikayat naman ni Major General Hambala ang mga sumuko na tuluyan ng magbago.


Nangako naman ang local government unit ng San Fernando na tutulong sa mga dating rebelde sa pamamagitqn ng mga programa na kaloob ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page