88 Indibidwal sa Davao City, Arestado sa 84 Operasyon na Ikinasa ng Otoridad Mula December 29, 2024 hanggang January 4, 2025
- Teddy Borja
- Jan 7
- 1 min read
iMINDSPH

Tatlumpo’t dalawang indibidwal ang naaresto sa 27 anti-illegal drug operations kung saan 79.9 gramo ng shabu ang nakumpiska na nagkakahalaga ng P543,687.20.
Nakumpiska rin ang 27.7 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng 3,325.68 centavos.
Labing walo naman ang naarestong gamblers sa syudad sa limang operasyon kung saan limang kaso ang naisampa ng otoridad sa korte.
Tatlumpo’t limang indibidwal naman ang arestado sa tatlumpo’t limang operasyon at labintatlo sa mga ito ay Most Wanted Persons.
Tatlong indibidwal din ang arestado sa labimpitong operasyon kung saan tatlo ang nakuhanan ng iligal na baril. May siyam din na isinuko, apat ang narekober at dalawa ang itinurn over for safe keeping.
Comments