top of page

881 loose firearms, na nakumpiska, napasakamay, isinuko, deposited, inabandona, at forfeited ang iprenisinta ng Police Regional Office 11

  • Teddy Borja
  • Feb 13
  • 1 min read

iMINDSPH

Walong daan at walompo’t isang armas ang iprenisinta ng Police Regional Office 11. 620 dito ang nakumpiska, napasakamay,isinuko, deposited, inabandona at forfeited habang 261 ang nakumpiska at deposited kaugnay sa ipinaiiral na COMELEC Gun Ban.


Mula sa 881 na mga loose firearms na iprenisinta ng Police Regional Office 11-

620 dito ang nakumpiska, napasakamay,isinuko, deposited, inabandona at forfeited mula September 2024 hanggang February 9, 2025.


Habang 261 dito ang nakumpiska at deposited kaugnay sa ipinaiiral na COMELEC Gun Ban mula January 12, 2025 hanggang February 9, 2025.


Kabilang sa mga baril ang 213 small arms, 6 explosives at 42 improvised/homemade firearms.


Ayon sa PRO 11, bahagi ito ng kanilang pinaiigting na kampanya kontra loose firearms at pagtiyak sa kaligtasan ng mamamayan lalo na ngayong papalapit ang 2025 National and Local Elections at BARMM parliamentary elections.


Suportado rin ng PRO 11 ang “Revitalized Katok” ng PNP.








 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page