ABC President ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur kasama ang isang barangay kagawad at barangay treasurer, sugatan sa pamamaril
- Teddy Borja
- Feb 13
- 1 min read
iMINDSPH

Binaril ng hindi kilalang mga suspek si Edris Sangki, 54-anyos, Barangay Chairman ng Kaya-Kaya at kasalukuyang ABC President ng bayan.

Binaril din ang kasama ng kapitan na si Barangay Kagawad Penny Balawgan, 56-anyos at Abdul Latip, 55-anyos, barangay treasurer.

Naganap ang pamamaril alas 10:20 kaninang umaga.

Ayon sa otoridad, minamaneho ng kagawad ang kanyang motor kasama ang kapitan habang minamaneho din ng barangay treasurer ang kanyang motor nang sundan sila ng mga suspek sakay ng isang mini van.

Pitong basyo ng bala ang natagpuan sa crime scene.

Inaalam pa ng otoridad ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga supsek.
Comentários