Agri-fishery products, maaring mabili sa MAFARLENGKE Trade Fair mula January 21-23 mula 8AM hanggang 5PM
- Diane Hora
- Jan 22
- 1 min read
iMINDSPH

Maari nang makapamili ng agri-fishery products sa murang halaga sa MAFARLENGKE Trade Fair sa loob ng MAFAR-BARMM compound sa Bangsamoro Government Center.

Pormal itong nagbukas araw ng Martes, January 21 at magtatapos sa January 23 mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Ang MAFARLENGKE Trade Fair ay inilunsad ng Agribusiness Marketing Assistance Division sa pakikipagtulungan ng Fisheries Post-harvest Division ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform bilang bahagi ng selebrasyon ng 6th founding anniversary ng Bangsamoro Government.

Labing limang magsasaka at mangingisda na exhibitors ang nabigyan ng oportunidad na maibenta ang kanilang mga produkto.

Mabibili dito ang mga sariwa at masustansiya at abot-kaya na mga agri-fishery products, poultry products, at iba pang value-added items.

Comments