AHOD, ALAB at OBRA, namahagi ng rice assistance, food packages, wheelchairs at tractors sa indigent families, PWDs at farmers cooperatives sa 6th Founding Anniversary ng BARMM
- Diane Hora
- Jan 21
- 1 min read
iMINDSPH

Nanguna sa distribution ng assistance at services sa pagbubukas ng programa kaugnay sa 6th founding anniversary ng BARMM ang tanggapan ni Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim, na nirepresenta ni Senior Minister Abunawas Maslamama, kasama ang Assistant Senior Minister Engr. Muhajirin Ali, at Project Manager Abobaker Edris.

Kabilang sa mga ipinamahagi ay bigas at food packages sa ilalim ng Ayuda Alay sa Bangsamoro o ALAB.

Namigay rin ng wheelchairs sa ilalim ng Access to Health Opportunities and Development o AHOD, at ang distribution ng tractors sa ilalim ng Oplan Bangsamoro Rapid Assistance o OBRA.

Benepisyaryo ng mga programa ang mga indigent families at indibidwal, persons with disabilities o PWDs at farmers cooperatives.

Ang mga sub-programs ang pangunahing aktibidad ng tatlong major components ng Project TABANG, tulad ng Health, Livelihood, at Humanitarian Response and Services, na naglalayong maghatid ng agaran at direktang tulong sa mga komunidad sa loob at labas ng Bangsamoro region.

Comments