top of page

Air Passenger Bill of Rights o APBR Information Campaign, pinalalakas ng CABB sa pamamagitan ng paglalagay ng information booth sa mga paliparan

iMINDSPH


Naglagay ang mga personnel ng Civil Aeronautics Board of the Bangsamoro o CABB ng information booth para mag-distribute ng educational materials at magbigay ng gabay sa mga usapin tulad ng flight delays, cancellations, denied boarding compensation, at baggage concerns.


Ang hakbang na ito ay ayon sa mas pinalawak na layunin ni Ministry of Transportation and Communications Minister Atty. Paisalin Tago, sa pagtiyak na ligtas, mabisa at masulong ang passenger-centered air transport system sa rehiyon.


Sa Cotabato (Awang) Airport, nakadisplay at pinamimigay ang informational materials tulad ng posters at brochures para gabayan ang mga pasahero sa pagpapapaunawa sa kanilang karapatan.


Ang kampanya ay ipatutupad sa lahat ng paliparan sa BARMM.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page