AMERICAN NATIONAL NA YOUTUBE VLOGGER NA SI ELLIOT EASTMAN, PINANINIWALAANG PATAY BASE SA PAHAYAG NG ISANG TESTIGO AT 1 SA 4 NA DUMUKOT NA NAHULI NG OTORIDAD
- Teddy Borja
- Dec 6, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Naglabas ng pahayag ang Police Regional Office IX na pinaniniwalaang patay na ang American National at vlogger na si Elliot Eastman.

Sinabi ni PLtCol Ramoncelio Sawan, ang Officer-in-Charge ng Public Information Office ng PRO IX, Ito ay base sa pahayag ng isang testigo.

Pinatotohanan din daw ang pahayag ng isa sa apat na dumukot na nahuli ng otoridad.

Dinukot si Eastman noong gabi ng Oktubre 17, 2024 sa bayan ng Sibuco sa probinsya ng Zamboanga del Norte.
Sa kabila ng mga pahayag at masusing paghahahanap ng Critical Incident Management Task Group o CIMTG ay hindi pa rin nakikita ang katawan ng American national hanggang ngayon.
Nagsampa na ng kasong Kidnapping and Serious Illegal Detention ang CIMTG Eastman sa apat na tinukoy na suspek na dumukot kay Eastman.
Sa ngayon, isang indibidwal pa lamang ang nasa kustodiya ng mga otoridad habang patuloy ang paghahanap ng kapulisan sa mga sangkot sa nasabing pagdukot.
Comments