iMINDSPH

Kinumpirma ni BARMM Cabinet Secretary at Spokesperson Mohd Asnin Pendatun ang pagkakatalaga kay Maguindanao del Norte Governor Abdulraof Macacua bilang bagong Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon kay Pendatun, opisyal na pinadala sa BARMM Government ang copy ng dokumento hinggil sa appointment ni Macacua noong Biyernes, March 7.
Pero wala pa umano silang kopya ng kumpletong listahan ng mga bagong miyembro o pinalitan o na retain na members of parliament
Ilan sa dahilan aniya ng hakbang na ito ay ang papalapit na kauna-unahang parliament election sa BARMM na gaganapin sa Oktubre.
Ngayong mayroon nang appointment, ayon kay Pendatun, susunod na ang oath of office at assumption ng incoming interim chief minister, bagama’t wala pa aniyang eksaktong petsa ng pormal na turn-over.
Dagdag ni Pendatun, nagkaroon na ng serye ng konsultayon bago pa man lumabas ang appointment order ni Macacua.
Sinabi rin ni Pendatun na aasahan ang balasahan sa hanay ng ministries, agencies at offices ng BARMM Government
Comentários