top of page

APPROVED INTERIM INTERNAL RULES OF PROCEDURE

iMINDSPH


Nagharap sa pulong ang Committee on Good Government, Accountability of Public Officers, and Investigation, o ang Blue Ribbon Committee ng BTA Parliament sa Davao City araw ng Lunes, March 10-



bago ang joint inquiry ngayong araw, sa pagitan ng Committee on Local Government, kaugnay sa sinasabing misuse of public funds at violations of budgetary and procurement laws hinggil sa Local Government Support Fund o LGSF-



Kasunod ng kautusan ni BTA Speaker Pangalian Balindong na magsagawa ng joint inquiry.



Ang approved interim rules ang magiging gabay sa legislative procedures sa pagsasagawa ng pagdinig, pulong, inquiries, imbestigasyon at iba pang aktibidad ng Blue Ribbon Committee


Binigyang diin ni Committee Chair Lanang Ali Jr. ang kahalagahan ng malinaw na papel ng komite sa investigations at inquiries.


Sa ilalim ng interim rules, sakop ng committee ang legislative matters kaugnay sa pag-imbestiga sa malfeasance, misfeasance, at nonfeasance sa loob ng Bangsamoro government, kabilang na ang Bangsamoro Parliament, local government units, at iba pang regional entities.


Nasa kapangyarihan din ng komite ang paghawak ng mga reklamo laban sa Bangsamoro government, sa ministries, agencies, at offices nito.


Sa ginanap na pulong, nilinaw din na ang inquiries ay maaring gawin sa tatlong paraan, una ay ng mismong komite, sa pamamagitan ng direktiba mula sa parliament, at sa pamamagitan ng reklamo na inihain ng sinumang non-member ng Parliament.


Kinakailangan din na ang reklamo ay notarized, signed ng petitioner, at kalakip ang isang detailed account ng relevant facts.

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page