iMINDSPH

Ito ang post ng Bangsamoro Movement for Justice sa kanilang facebook page, kagabi habang nagsasagawa ng support rally sa Cotabato City plaza para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasabay ng rally, mahigpit ang seguridad na ipinatupad ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Marines at Cotabato City Police sa paligid ng plaza.

Matatandaang, naglabas ng abiso ang Cotabato City Police Office araw ng Lunes na mahigpit nilang ipatutupad ang No Permit, No Rally Policy.
Ayon sa post, kahit may nananakot, tuloy lang sila. Inilabas din ng grupo ang kanilang resibo at sinabing mayroon silang permit para magsagawa ng rally.
Ayon sa CCPO, alinsunod sa provisions ng Batas Pambasa Bilang 880, o ang Public Assembly Act of 1985, muling binigyang diin ng otoridad ang pangakong pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng No permit, No Rally Policy.
Sa mga grupo o organisasyon na nagnanais na magsagawa ng rally, kinakailangan munang kumuha ng permit sa Local Government Unit, limang araw bago ang itinakdang petsa ng rally.
Pagbibigay diin ng CCPO hindi ito pagsupil sa karapatan ng malayang pagpapahayag kundi pagtiyak anila na ang mga public assemblies ay idadaos ng matiwasay at matiyak ang kaligtasan ng partisipante at ng publiko.
Hinihikayat din ang mga organizers na makipag ugnayan sa otoridad para sa pagsasagawa ng maayos na pagtitipon.
Ang bigong sumunod sa batas ay maaring maresulta anila ng legal action o dispersal ng assembly.
コメント