top of page

Pamamaril patay sa CPA Laywer na si Junisa Kimamao at pagkakasugat ng kasintahan nito na si Atty. Ibrahim Pendatu, kinondena ng IBP Cotabato Chapter

iMINDSPH

Hindi lubos maisip ng mga kinatawan ng IBP Cotabato Chapter ang nangyaring pamamaril ngayong banal na buwan ng Ramadan sa CPA Lawyer na si Junisa Kimamao at sa kasintahan nito na si Atty. Ibrahim Pendatu.


Binaril ang mga biktima alas 3:15 ng hapon, araw ng Lunes sa Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.


Nasawi sa pamamaril si Kimamao habang sugatan naman si Pendatu.


Kinondena ng IBP ang karumal dumal na insidente at nangakong makakamit ng mga biktima ang hustisya.


Nanawagan rin sa otoridad ang IBP Cotabato Chapter na magsagawa ng masusing imbestigasyon at panagutin ang mga nasa likod ng krimen.



Kommentare

Mit 0 von 5 Sternen bewertet.
Noch keine Ratings

Rating hinzufügen

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page