ARCHDIOCESE SEMINARY SA SULTAN KUDARAT, MDN, PINASAYA NI ONE MAGUINDANAO ELECTED VICE GOVERNOR BAI AINEE SINSUAT AT TIYAKAP DLS SA PAMASKONG HANDOG NGAYONG HULING ARAW NG MISA DE GALLO
- Diane Hora
- Dec 24, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Bida sa serbisyo, kaya bida pa rin sa paghahatid ng saya at pagasa ang TIYAKAP, Dedikasyon, Lakas at Serbisyo o TIYAKAP DLS at ng tanggapan ni One Maguindanao Vice Governor Bai Ainee Sinsuat sa kanilang pamaskong handog sa mga kapatid na Kristiyano.
Handog ng grupo ang
Bigas..
TV…
Plantsa…
Cellphone…
Electric Fan…
Rice Cooker….
Grocery items
At iba pa…
Sa archdiocese seminary sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte
Taos puso ang pasasalamat ni Father John Angelo Gamino, DCC kay elected vice governor Bai Ainee Sinsuat at TIYAKAP DLS.
Ang hakbang ay bahagi ng isang mainit na pagbati ng pagmamahal at pagkakaisa ng opisyal sa mga kapatid na Kristiyano sa lalawigan
Sa kabila ng pagkakaiba sa pananampalataya, ayon sa opisyal ang kabutihan at respeto ang patuloy na nagbubuklod sa lahat. Sama-sama aniyang ipagdiwang ang diwa ng Pasko—pagmamahal, kapayapaan, at malasakit para sa isa’t isa.
Nawa’y magdala aniya ang Bagong Taon ng mas marami pang pagpapala, bagong pag-asa, at isang mas matatag na komunidad para sa lahat.
Comments